GMA Logo Gelli de Belen with two kids
What's Hot

Gelli de Belen, nagbigay ng update sa mga anak na nasa Canada

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 19, 2021 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Gelli de Belen with two kids


Kumusta na kaya ang buhay ng dalawang anak nina Ariel Rivera at Gelli de Belen sa Canada?

Nagbigay ng update ang aktres na si Gelli de Belen tungkol sa dalawa niyang anak na sina Joaquin Andrés at Julio Alessandro na naninirahan na ngayon sa Canada.

Ayon kay Gelli, naka-online school pa rin sina Joaquin at Julio.

"They're doing well, online schooling 'yung ganun," kuwento ni Gelli sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

"But of course may edad na ng kaunti so 'yung isa nagbo-volunteer work to get credits for his course."

A post shared by Joaquin Rivera (@joaquinriveraaa)


Sa Canada na naninirahan sina Joaquin at Julio kasama ang mga magulang ng kanilang amang si Ariel Rivera.

Kahit na malayo, sinisigurado naman ni Gelli na nakukumusta nila ito at nabibisita kung mayroong pagkakataon.

Sa katunayan, noong January ay pumunta sina Gelli at Ariel sa Canada upang ipagdiwang ang Bagong Taon.

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen)

Kilalanin pa ang pamilya nina Gelli at Ariel DITO: