GMA Logo The Sotto family
What's Hot

Pauleen Luna-Sotto, nagbonding kasama ang kanyang pamilya sa inflatable pool

By Dianne Mariano
Published July 5, 2021 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

The Sotto family


Masaya na sinalubong ng mga Sotto ang kanilang weekend family bonding at nag-enjoy sila sa kanilang pool party.

Masaya ang naging family bonding ng mga Sotto noong nakaraan na Sabado. Sa katanuyan, nagkaroon pa sila ng oras para magtayo ng isang inflatable pool sa kanilang bahay.

Ayon sa Unang Hirit, nagpost si Pauleen Luna-Sotto ng mga litrato na kasama ang kanyang mga kamag-anak sa inflatable pool. Siyempre nandoon din sina Baby Tali ang iba pang mga bata sa kanilang pamilya.

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)


Kita rin sa mga mata ni Baby Tali na masaya siya na naka-bonding at nakalaro ang kanyang mga pinsan at kamag-anak.

Isinulat ni Pauleen sa kanyang post, “what a fun day”

Dagdag pa ng aktres, “thank you @yuyuinflatables for making it special for the kids! And the kids at heart.”

Kasama rin ng Eat Bulaga host ang anak ni Vic Sotto na si Danica Sotto-Pingris at ang kanyang mga anak na sina Micaella at Michel Sotto-Pingris.

Makikita rin na nakikisaya si Vic Sotto sa swimming pool kasama ang iba pang mga bata sa kanilang malaking pamilya.

Sa pitong litrato na pinost ni Pauleen, kitang-kita ang saya ng buong pamilya Sotto nang sila ay nag-swimming nang sama-sama.

Photo courtesy pauleenlunasotto (IG)

Nagcomment naman ang aktres na si Mariel Padilla at sinabi, “looks super fun.”

Sa ngayon, nasa higit 23,000 likes na ang masayang family photo ng pamilya Sotto sa Instagram.

Tignan pa ang ibang mga eksena sa "buhay quarantine" nina Pauleen, Vic at Baby Tali Sotto sa gallery na ito: