GMA Logo nadine samonte
What's Hot

Anak ni Nadine Samonte, sumailalim na sa eye surgery

By Aedrianne Acar
Published August 4, 2021 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

nadine samonte


Humingi ng dasal ang 'Endless Love' actress na si Nadine Samonte sa publiko para sa pagdadaanan na operasyon ng kanyang anak na si Heather Sloane.

Ramdam sa Instagram post ni Richard Chua, asawa StarStruck almuna Nadine Samonte, ang tindi ng pag-aalala na sumailalim sa isang operasyon ang kanilang panganay na si Heather Sloane.

Nitong Martes, August 3, humingi ng dasal sa publiko ang dating aktres para sa pinagdadaanang health struggles ni Richard at kanilang anak na si Heather.

Si Richard ay sasailalim sa medical procudure na angiogram, samantalang si Heather naman ay sasailalim sa isang eye surgery.

Tulad ni Nadine, lubos din ang pag-aalala ng kanyang asawa nang makita ang lagay ng anak sa ospital.

Sa kabutihang palad ay naging maayos ang lahat, base sa post ng asawa ni Nadine.

Ani Richard, “My anxiety level today went beyond maximum tolerance…all the waiting drove me insane….but thank you Lord that you stayed beside our baby Heather the whole time she was at the OR and made sure everything was ok ️ #EyeSurgery #ToGodBeTheGlory.”

A post shared by Rboy Chua (@rboy_chua)

Bumuhos naman ang prayers sa mag-asawang Chua na dumadaan sa matinding pagsubok.

Bukod sa sitwasyong ito ng kanilang pamilya, hindi rin biro ang stress na pinagdadaanan ngayon celebrity mom habang ipinagbubuntis ang kanilang third baby.

Bukod kay Heather, 4, may anak din silang lalaki na si Austin Titus na isinilang noong April 2019.

Ikinasal naman si Nadine kay Richard na isang businessman sa isang garden-themed wedding taong 2013.