
Bago ang nalalapit na kasal ng anak, pinayuhan ni dating 'Guwapings' member Eric Fructuoso ang panganay niyang si Frederick Fructuoso sa mga dapat nitong gawin bilang isang responsableng asawa.
Sa Instagram, ibinahagi ng 44-year-old soon-to-be lolo ang pag-uusap nila ng anak at bilang ama nais nitong maging isang mabuting ama rin ang kanyang anak.
"Ikakasal ka na. Magkaka-baby ka na. Heto ha! based on experience lang, ha? Hindi ko sinasabing sundin mo, hindi ko sinasabing gayahin mo ako," sabi ni Eric sa kanyang 21-year-old na anak.
"Pero marami akong pagkakamaling ginawa, especially sa mommy mo, sa mga sumunod na... Ito ang payo ko sa 'yo. Alagaan mo 'yung asawa mo. Papakinggan mo siya, susundin mo siya," dagdag pa nito.
"Huwag kang magpapadala sa temptation dahil, anak, sinasabi ko sa 'yo, hanggang sa edad ko ngayon, tinatrabaho ako ng babae lagi.
"Hindi ko na-experience manligaw, anak, pero lagi akong tinatrabaho. Kaya alam mo 'yon, minsan nauuto ako, nadadale," kuwento ni Eric mula sa dating karanasan.
"Wala, e... marupok ako. Naniniwala pa ako. Kapag sinabing 'I love you,' ako naman 'I love you rin.'" sabi pa niya.
"So, ibig sabihin, be true to your wife. Love her, love her like there's no tomorrow, and enjoy-in mo lang. Huwag kang magpapaniwala sa ibang babae, ha?" payo ni Eric sa panganay na malapit na ring maging isang ama.
Sumikat noong dekada '90 ang teen boy group na 'Gwapings' kung saan kasama ni Eric dito sina Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez. Sa kanilang tatlo, si Eric ang unang makakaranas na maging lolo.
Samantala, sinubukang pumasok ni Frederick sa showbiz noong 2015 kung saan sumali ito sa Season 6 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA.
Hindi pinalad na makapasok sa Top 35 contestants ng StarStruck Season 6 si Frederick. Ilan sa mga kasabayan niya rito ay sina Ivana Alawi, Arra San Agustin, Migo Adecer at Klea Pineda.
Balikan sa gallery na ito ang simpleng buhay ni Eric Fructuoso: