GMA Logo pokwang son
What's Hot

Pokwang, naiyak habang inaalala ang namayapang anak

By Racquel Quieta
Published August 15, 2021 7:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: PH gold medalists in the 2025 SEA Games
Ang mga balitang dapat tutukan ngayong Biyernes, December 12, 2025 | One North Central Luzon
Zeinab Harake marks 27th birthday with a photoshoot

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang son


Balilkan ang malungkot na kuwento ng pagkamatay ng isa sa mga anak ni Pokwang noong bago pa siya pumasok sa showbiz sa kanyang 'Tunay na Buhay' interview.

Kilala ang bagong Kapuso star na si Pokwang bilang isang magaling na aktres at comedienne. Madalas niya tayong mapatawa sa kanyang mga pagganap sa telebisyon at pelikula, ngunit ang hindi alam ng karamihan may matindiing pagsubok ring pinagdaaanan noon si Pokwang bago siya napasok sa showbiz.

Sa kanyang guest appearance kamakailan sa Tunay na Buhay ikinuwento ni Pokwang kay Pia Arcangel ang isa sa pinakamasakit na nangyari sa kanyang buhay: ang pagkamatay ng kanyang anak na lalaki na si Shin.”

Si 'Tunay na Buhay' host Pia Arcangel kasama si Pokwang / Source: Tunay na Buhay

Ayon kay Pokwang, nangyari daw ito noong panahong nagtatrabaho siya bilang OFW sa Abu Dhabi.

“Siyempre, bilang isang single mom, kailangan mong gumawa ng paraan noh? Dalawa 'yung anak ko. 'Yung panganay ko was 5 years old, 'yung panganay kong lalaki.

“'Yun sinabi nga nila na may tumor sa utak 'yung bata. Nabalitaan ko na lang na wala, hindi niya kinaya 'yung operasyo. Kinuha siya sa amin.

“Napakabata pa niya para pagdaanan 'yung ganung sakit.

“Sabi ko, 'Lord, kung hanggang dun na lang, kaysa nahihirapan siya.' Sabi ko, 'Salamat pinahiram niyo siya sa akin.”

Ang namayapang panganay na anak ni Pokwang na si Shin/ Source: Tunay na Buhay

Kuwento pa ni Pokwang, hindi rin siya nakauwi agad upang ipagluksa ang pagkamatay ng anak dahil pinagbawalan siya ng kanyang employer o management noon sa Abu Dhabi na umalis ng bansa.

“Umuwi ako siguro mga December na. Kasi ayaw akong payagan nung management na umuwi, kasi nga 'yung kontrata ko raw kailangan tapusin.

“Kung 'di ko raw tatapusin, sagot ko raw 'yung pamasahe ko. Eh, wala ngang pera 'di ba?”

Panoorin ang madamdaming pag-alala ni Pokwang sa namayapa niyang anak na si Shin sa Tunay na Buhay video na ito.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin ang Tunay na Buhay tuwing Miyerkules, 11:30 p.m. sa Power Block ng GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Mas kilalanin pa ang bagong Kapuso na si Pokwang sa gallery na ito: