
Emosyonal na ibinahagi ni Bettinna Carlos sa Instagram ang kanyang mensahe para sa kaarawan ng amang si Alex.
Noong October 2, ipinakita ni Bettinna ang mga larawan kasama ang ama at ikinuwento ang karaniwang ginagawa nilang mag-ama noong siya ay nasa kolehiyo pa.
"Happy Birthday to my Papa who I miss so much!!!" sulat ni Bettinna.
"This first photo of ours is my favorite. Batang-bata ka pa [riyan]. Gwaps na gwaps haha. Hanggang ngayon naman. Brings me back to my college days when we would have weekly lunch dates at Cibo in Shang even you and Mom weren't together anymore," pagbabahagi niya.
Ibinahagi rin ni Bettinna kung gaano niya nami-miss ang ama lalo na ngayong may pandemya.
"I miss eating out with you, cooking for and feeding you and hearing your comments and affirmations... having long talks with you habang minamasahe ko ang paa mo tapos biglang maghihilik ka na lang.
"I'm sad that times now do not give us the same liberty to share a meal together with the barangay but thankful nonetheless because it means you are safest," dagdag pa ni Bettinna.
Sa kanyang blog na mummybites.com, inamin ni Bettinna na pangalawang pamilya sila ng kanyang ama, kabilang ang dalawang kapatid na sina Angelo at Ali.
Pero kahit na ganoon ang kanilang sitwasyon, labis ang pasasalamat ni Bettinna sa kanyang ama dahil sa pantay at umaapaw na pagmamahal na ibinibigay nito sa kanilang magkakapatid.
"Thank you for your daily FB video calls with Gummy and your live gymnastics side coaching. Thank you for how you check up on us everyday and for never ever ever giving up on you children.
"Love you Pops. Longing for the day I can hug you again. I type this with wet eyes. Miss you so much!!! Happy Birthday! The Lord bless you and keep you holy healthy and happy!" pagbati ni Bettinna sa kanyang ama.
Samantala, balikan sa gallery sa ibaba ang relationship goals nina Bettinna Carlos at Mikki Eduardo: