GMA Logo rey pj abellana carla abellana and tom rodriguez
What's Hot

Rey "PJ" Abellana, may wedding wishes para kina Carla Abellana at Tom Rodriguez

By EJ Chua
Published October 30, 2021 11:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

rey pj abellana carla abellana and tom rodriguez


"We are very happy and welcome talaga si Tom [Rodriguez] sa aming pamilya," sabi ni Rey "PJ" Abellana tungkol sa asawa ng anak niyang si Carla Abellana.

Isa sa mga pangarap ng mga ama ang makatagpo ang kanilang babaeng anak ng sarili nilang knight in shining armor.

Ganito ang hiling noon ng aktor na si Rey “PJ” Abellana para sa anak niyang si Carla Abellana.

Kasunod ng pakikipag-isang dibdib ng kanyang anak na si Carla sa kapwa Kapuso actor na si Tom Rodriguez, masayang ibinahagi ni Rey Abellana ang kanyang wishes para sa bagong kasal.

Sa gitna ng naging panayam ng GMA Network sa cast ng I Left My Heart in Sorsogon, unang ibinahagi ng aktor na masaya siya para sa kanyang anak na si Carla.

Sinabi rin niya na welcome ang mister nito na si Tom sa kanilang pamilya.

“First, happy tayo, satisfied tayo. Mainly ako, kabisado ko, siyempre, 'yung anak ko. Alam ko 'yung choice niya, alam ko ang mga desisyon niya. Very positive naman with everything. We are very happy and welcome talaga si Tom sa aming pamilya,” sabi ni Rey.

Ikinuwento din ni Rey ang unexpected adjustments na kanilang kinaharap nung mismong araw ng kasal ng kanyang anak.

“In spite of everything, kailangan pa i-relocate 'yung wedding, 'yung reception, 'yung venue… up to the last minute because of the pandemic. Napalayo pa lalo 'yung pangalawang venue sa original venue na supposedly sa Tagaytay lamang.

"It turned out very smooth, very successful, very happy, enjoy and very memorable. So, salamat naman sa Diyos at naitawid ang lahat ng successful,” kwento ng aktor.

Nang tanungin si Rey kung ilan ba ang gusto niyang maging apo kina Carla at Tom, ito ang kanyang naging sagot, “Honestly, nasa plano nila 'yan. Nasa choice nila 'yan.”

Kasunod nito, isang wedding wish naman ang kanyang ibinahagi para sa Kapuso couple.

“I want them to have a happy and successful and loving and forever family. I'm just hoping na it will last forever. Kagaya ng mga vows sa weddings, 'Til Death Do You Part.'”

Mapapanood si Rey “PJ” Abellana bilang ama ni Heart Evangelista sa pinakaaabangang primetime drama na I Left My Heart in Sorsogon.

Subaybayan ang kanyang walang kupas na acting skills na mapapanood na sa November 15, 2021, sa GMA Telebabad.

Samantala, tingnan ang mga larawan ng I Left My Heart in Sorsogon cast sa gallery na ito: