GMA Logo Princess Velasco and dad Alfredo Velasco
What's Hot

Princess Velasco pens heartfelt message for late dad Alfredo Velasco

By Aimee Anoc
Published November 10, 2021 3:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Princess Velasco and dad Alfredo Velasco


Ibinahagi ni Princess Velasco ang kanyang mensahe para sa kanyang ama na pumanaw noong Linggo, November 7.

Emosyunal na ibinahagi ni Princess Velasco ang kanyang mensahe para sa ama na si Alfredo Velasco na pumanaw noong Linggo, November 7.

Sa Instagram, ipinakita ni Princess ang ilan sa masasayang larawan nila ng ama na itinuturing niyang liwanag sa dilim, sumbungan, takbuhan, tagapagtanggol, at kanlungan.

"Ganito kita lagi maaalala, masaya malakas, at isang tawag ko lang ay nandyan palagi para sa akin. Kahit saan noon go at go ka lang 'pag niyaya kita na sumama, kahit gaano kalayo!" sulat ng OPM Acoustic Princess.

A post shared by Princess Velasco (@princessvelasco)

Labis ang pasasalamat ni Princess sa panahong nakasama ang ama at sa pagkakataong masabi ang lahat ng nais niyang sabihin bago ito pumanaw.

"Nagpapasalamat ako sa mahabang panahon na inilaan ng Diyos para sa atin, at sa lahat ng pagkakataon na nakapasyal tayo [nang] magkasama. Salamat din sa Diyos na nakita mo ang lahat ng anak ko at kita ko na mahal na mahal mo kaming lahat ng mga kapatid ko at mga apo mo.

"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Daddy, alam mo 'yan! Salamat at nasabi ko na sa 'yo lahat ng kailangan [kong] sabihin. Gusto ko man na umabot ang buhay mo lampas sa 100, alam kong kailangan mo na magpahinga at pagod na ang katawan mo. Huwag mo kami alalahanin ng mga kapatid ko, naibigay mo ang lahat ng aming kailangan at sobra-sobra pa!

"Mananatili ka sa puso ko magpakailanman, alam mo naman 'yan. Yakapin mo ang Panginoon at si Mommy para sa 'kin. Mahigpit!" pagbabahagi ni Princess.

Samantala, nakatakdang maglabas ng bagong kanta si Princess na "Ang Ating Pag-ibig" sa November 19.

Mas kilalanin pa si OPM Acoustic Princess at GMA Music Artist Princess Velasco sa gallery na ito: