
Inamin ni Rodjun Cruz na marami mang pagsubok ngayon dahil sa COVID-19 pandemic, nagpapasalamat siya na dumating sa buhay nila ni Dianne Medina si Baby Joaquin.
Kuwento ni Rodjun sa interview nitong November 4, "Ang daming nagbago sa akin. Kahit na pandemic, at ang dami nating pinagdaanan lahat, ibinigay ni Lord sa amin si Baby Joaquin."
Ayon kay Rodjun hopeful siya sa magandang future dahil sa baby nila ni Dianne.
Photo source: rodjuncruz (IG)
"Alam ko na may bright future para sa amin and siya 'yung nagbibigay sa amin ng hope. Inspirasyon ko si Baby Joaquin talaga and si Dianne."
Saad pa ng Kapuso actor, sa daming magagandang nangyari sa kaniyang personal na buhay at kaniyang career, itinuturing niya pa ring greatest blessing at achievement ang kaniyang anak.
"Ang daming blessings na dumating, ang daming nangyaring magaganda pero para sa akin, sabi ko nga ito nga 'yung greatest blessing ko. Greatest achievement namin si Baby Joaquin."
Dugtong pa niya, "Grateful and thankful talaga ako everyday kay Lord. Kaya kapag gumigising ako araw-araw sa umaga, sobrang thankful ako and very positive ako in life ngayon dahil na alam ko na may purpose si Lord sa buhay natin at hindi niya tayo pababayaan at mayroon tayong bright future."
Inamin din ni Rodjun na gagawin niya ang lahat para kay baby Joaquin para ipagmalaki siya ng kaniyang anak sa future.
"Gagawin ko din talaga ang lahat to be the best dad for Joaquin dahil someday gusto ko ring maipagmalaki niya ako na 'yan ang daddy ko."
Samantala, tingnan ang cute na photos ng anak nina Rodjun at Dianne na si Joaquin sa gallery na ito: