Showbiz News

Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan arrive in North Virginia

By Aimee Anoc

Masayang ibinahagi ni Comedy Queen Aiai Delas Alas ang bagong simula nila ng asawang si Gerald Sibayan sa North Virginia, USA.

Sa Instagram, ibinahagi ni Aiai ang kanyang pananabik para sa panibagong buhay na bubuuhin nilang mag-asawa sa Amerika.

"Parang para sa amin ang caption. Yes, North Virginia here we come. Our journey begins here. Thank you dear Lord and mother Mary. We landed safely. Love you my darling, this is it, start na ng buhay natin together," pagbabahagi ni Aiai.

Noong November 30, muling nakasama ni Aiai ang asawa matapos ang ilang buwang hindi pagkikita. Sa Amerika na rin ipinagdiwang ni Gerald ang kaarawan.

Una nang ibinahagi ni Aiai ang plano nilang mag-asawa na magkaroon ng anak via surrogacy. Inaasahang maninirahan muna sa Amerika sa Aiai para pagtuunan ang kanyang buhay may asawa.

Samantala, tingnan ang naging bakasyon nina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan sa Amerika sa gallery na ito: