
Maraming netizens ang natuwa sa ibinahaging mga larawan ni Alwyn Uytingco kasama si Jennica Garcia at ang dalawa niyang anak na sina Mori at Alessi.
Sa Facebook, ibinahagi ni Alwyn ang masayang larawan nilang pamilya habang kumakain sa isang Japanese restaurant.
Makikitang nag-enjoy sina Mori at Alessi sa naging bonding nilang pamilya. Kapansin-pansin din ang matatamis na ngiti nina Jennica at Alwyn sa mga larawan.
Simpleng "three hearts" lamang ang inilagay na caption ni Alwyn sa kanilang family bonding.
"The best Christmas gift ever. Happy family again. God bless," pagbati ni Cristina Mendiola.
"Happy for you kuya," sulat ni Maria Carmela Ysabel Nicolas.
"Good to see you together again," dagdag ni Lourdes Peng Regala Garcia.
"Happy family," sabi ni Janine Guiao-Morante.
"Congrats! Happy for both of you, cheers," pagbabahagi ni Don Miguel.
Kamakailan, inamin ni Jennica na nasa proseso silang mag-asawa na ayusin muli ang kanilang pamilya.
"I am very thankful to Jesus because he heard my prayers. He gave me what I was waiting for--Alwyn to come back for us. He expressed his desire for family restoration," pagbabahagi ni Jennica sa naging interview kay Lhar Santiago sa '24 Oras.'
Ikinasal sina Jennica at Alwyn noong February 2014. Noong May nitong taon, kinumpirma ni Jennica ang paghihiwalay nilang mag-asawa.
Samantala, patuloy na mapapanood si Jennica sa Afternoon Prime series na Las Hermanas, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 pm sa GMA.
Samantala, tingnan ang buhay ni Jennica Garcia bilang isang ina sa gallery na ito: