GMA Logo kylie padilla and robin padilla
What's Hot

Kylie Padilla congratulates dad Robin Padilla for leading the senatorial race

By Jimboy Napoles
Published May 11, 2022 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

kylie padilla and robin padilla


Kylie Padilla on her father Robin Padilla: "Mahal na mahal ng tatay ko ang Pilipinas."

Masaya ang aktres na si Kylie Padilla para sa kanyang ama at senatorial candidate na si Robin Padilla sa pangunguna nito sa senatorial race sa katatapos lamang na eleksyon 2022.

Sa Instagram, nagbigay ng mensahe si Kylie kay Robin sa pamamagitan ng isang post kung saan makikita ang larawan nilang mag-ama.

Ayon kay Kylie, siya mismo ay nag-research at nanonood ng interviews kasama ang kanyang ama upang mas maintindihan ang mga inihahain nitong mga plataporma.

Aniya, "I approached this like you were not my dad. did my homework. I did my research. I did not want to be biased. I watched all the interviews and inintindi ko lahat ng sinabi mo. And all I can say is I cannot wait for you to make your dreams a reality.

"I support you with all my heart. You have always been passionate about helping people and now you are in a position where you can make a bigger impact. I'm so happy and proud of you."

Ibinahagi rin ng aktres na matindi ang pagmamahal ng kanyang ama sa bansa at matagal na itong tumutulong sa mga kababayan na nangangailangan bago pa nito maisip na pumasok sa senado.

"But If I was to speak as his daughter all I have to say is mahal na mahal ng tatay ko ang pilipinas, mahal niya ang mga tao. Parte ng pagkatao nyang tumulong. He has always been selfless pag dating sa mga taong nangangailangan," ani Kylie.

Dagdag pa niya, "If there is one thing I can attest to, my father did not need to become senator to help make change happen. He was already doing that before all of this. Kaya whatever happens after today, however busy you become please know that I love you and support you. Congratulations @robinhoodpadilla."

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)

Samantala, muli namang mapapanood si Kylie sa kanyang balik-Kapuso serye na Bolera, kung saan makakasama niya sina Jak Roberto at Rayver Cruz.

Silipin ang naging pagsasanay ni Kylie sa kanyang role bilang billiard genius kasama ang mga batikang billiards athlete sa gallery na ito.