
Hindi maitago ng dating SexBomb dancer na si Sunshine Garcia ang sayang nararamdaman niya para sa kanyang asawa, aktor, at bagong vice governor ng Bulacan na si Alex Castro dahil sa tagumpay na nakamit nito sa katatapos lamang na eleksyon 2022.
Sa isang Instagram post, isang nakaaantig na mensahe ang ipinaabot ni Sunshine kay Alex at pati na rin sa mga bumoto, tumulong, at sumuporta sa kaniyang asawa.
Ayon sa caption ng dancer, “Nag-desisyon na ang Bulakenyos mayroon ng bagong Vice Governor ang Bulacan. Congratulations @bmalexcastro.
"Hindi namin inexpect na ganito n'yo susuportahan si Alex. Sipag at malinis na intensyon ang naging puhunan. 'Yung mga dinasal natin na kung para talaga sayo ibibigay ni Lord at eto na [heart emoji]…
"Sa lahat ng mga kaibigan ko na nagpaabot ng suporta (alam nyo na kung sino kayo salamat!) sa mga Bulakenyos na nagtiwala at nagmahal kay Vice Gov. Alex Castro at Governor Daniel. Thank you sa inyong lahat.
"Sa mga staff na nagsakripisyo, napagod, napuyat at nilaan din ang oras sa kampanyang ito, salamat dahil hindi kayo sumuko. Pero Lord ikaw talaga ito! Makakaasa kayo na magtratrabaho siya at magiging aktibo sa lahat ng bagay.
"Papa proud kami sayo sobra! Alam namin na gagabayan ka ni Lord sa bago mong tatahakin please maging humble pa rin kahit na anong mangyari at lagi magdasal [heart emoji].
"P.S Mag family at quality time muna kami bago sya ulit maging busy… Salamat sa inyong lahat!” dagdag pa ni Sunshine.
Congratulations, Alex and Castro family!
Samantala, kilalanin ang pangalawang anak nina Sunshine Garcia at Alex Castro sa gallery na ito: