GMA Logo Grace Poe
What's Hot

Sen. Grace Poe, inihanda na sila ni Ms. Susan Roces ilang buwan bago pa ito pumanaw

By Jimboy Napoles
Published May 23, 2022 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LA Tenorio, Yukien Andrada relish Magnolia debuts as playing coach, rookie
December 22, 2025: One North Central Luzon Livestream
Check out these gifts that champion health and comfort

Article Inside Page


Showbiz News

Grace Poe


Kuwento ni Sen. Grace Poe kay Jessica Soho: "Kapareho ng marami, nabigla rin naman kami pero naisip ko parang hinahanda niya na rin kami nitong mga nakaraang buwan."

Nagdadalamhati ngayon ang industriya ng showbiz dahil sa pagpanaw ng tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces nito lamang Biyernes, May 20, sa edad na 80.

Sa panayam ni Jessica Soho sa anak ng namayapang beteranang aktres na si Senadora Grace Poe para sa kanyang programa na Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi ni Sen. Grace na bagamat masakit sa kanila ang pagpanaw ng kanyang ina, batid niya na inihahanda na sila nito para sa kanyang pag-alis.

Kuwento niya, "Kapareho ng marami, nabigla rin naman kami pero naisip ko parang hinahanda niya na rin kami nitong mga nakaraang buwan.

"Alam mo mula nang mag-pandemya, napansin ko na 'yung nanay ko maraming mga nililigpit sa bahay, tapos panay ang bilin niya, 'O yung ganito ha, pagka-ano ganito ang gagawin mo, 'yung mga gamit ni Papa dito' mga ganyan, marami siyang inuulit-ulit.

"Nagkaroon siya ng oras para mag-isip, at palagi niyang binabalik sa kanyang alaala 'yung mga nakaraan, so palagi niyang kinukwento 'yung dad [Fernando Poe Jr.] ko."

Hindi na rin daw masyadong kumakain nitong mga nakaraang buwan ang kanyang ina. Sa katunayan, nagpa-RT-PCR test pa raw sila upang masagot kung bakit walang gana sa pagkain si Ms. Susan, pero nag-negatibo naman daw ito sa COVID-19. Maayos din ang naging resulta ng kanyang blood test.

Bilang anak ng yumaong beteranang aktres, nagsisisi raw si Sen. Grace dahil naging mailap ang oras na sila ay magkasama ng kanyang ina dahil sa kanyang trabaho.

Aniya, "Alam mo Jessica, siguro kung meron akong pagsisisi, siyempre 'yung trabaho sa pulitika, medyo demanding e, palagi kang may pinupuntahan, o may ginagawa ka ganyan, so 'yung mga naging oras ko para sa nanay ko, mas kaunti."

Payo ng senadora sa marami ay sulitin ang mga oras kasama ang mga magulang at mahal sa buhay at sabihin na sa kanila ang inyong gustong sabihin bago mahuli ang lahat.

"Ang masasabi ko sa ating mga manonood, para sa mga magulang niyo, sabihin niyo na sa kanila ang gusto niyong sabihin para kung sakaling mawala sila," ani Sen. Grace.

Dagdag pa niya, "Sa nanay ko, kahit kausap ko siya madalas, mayroon pa rin akong hindi masabi e. Hindi lamang 'yung 'Mama, I love you' ganun, siguro 'yung mahigpit na yakap."

Sa isang report, ayon din kay Sen. Grace, cardiopulmonary arrest ang dahilan ng pagkamatay ng beteranang aktres.

Panoorin ang buong panayam ni Jessica kay Sen. Grace sa video na ito ng KMJS:

Balikan ang mga ala-ala ni Ms. Susan Roces sa gallery na ito: