
Ikinuwento ni Rufa Mae Quinto kung paano ang naging takbo sa pagpapapalaki niya sa anak na si Alexandria Athena Magallanes.
Ayon kay Rufa Mae, naging hands-on na ina siya kay Athena lalo na nang pansamantalang manirahan sa Amerika kasama ang asawang si Trevor Magallanes.
Kuwento ni Rufa Mae, wala siyang naging yaya sa Amerika kaya naman naging independent siya. Dito raw naipakita ng aktres ang normal na buhay kay Athena kung saan siya ang naggo-grocery, naglilinis ng bahay, at nagluluto para sa pamilya.
Photo by: rufamaequinto (IG)
"Natuto akong maipakita sa anak ko ang normal na buhay. Kung paano magluto, 'yung talagang naglilinis, at 'yung kanyang first formative years ay nandoon ako na hands-on sa kanya," kuwento ng sexy comedian.
Kaya naman ngayong abala na ulit sa showbiz, hindi na raw mahirap para kay Rufa Mae na kausapin ang anak dahil nakaiintindi na ito.
"Madali nang kausapin. Kumbaga puwede na akong maging busy kasi kaka-five niya lang noong February. Nakatapos na siya ng toddler.
"Naipakita ko na sa kanya 'yung normal na buhay -- grocery, magtrabaho, kakain, nag-drive ako, hinatid sundo ko siya sa school. Kumbaga talagang nagampanan ko kasi naging hands-on ako, walang yaya, wala lahat. 'Yun 'yung pinakamagandang nagawa ko. But of course palagi pa rin akong hands-on," sabi ng aktres.
Ngayong Hunyo, balik-sitcom si Rufa Mae para sa kauna-unahang family sitcom ng GTV, ang Tols kung saan gaganap siya bilang ina ng triplets na si Mommy Barbie.
Abangan si Rufa Mae sa Tols, simula June 25, 7:00 p.m. sa GTV.
Samantala, tingnan ang mother-and-daughter photos nina Rufa Mae Quinto at Alexandria Athena Magallanes sa gallery na ito: