GMA Logo aiai delas alas
Source: msaiaidelasalas (Instagram)
What's Hot

Adoptive mother ni AiAi Delas Alas, pumanaw na

By Jimboy Napoles
Published June 24, 2022 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas


Pakikiramay at mahigpit na yakap, AiAi.

Nagdadalamhati ngayon ang Raising Mamay actress na si AiAi Delas Alas dahil sa pagpanaw ng kanyang adoptive mother na si Justa Delas Alas sa edad na 93, Huwebes ng hapon, June 23.

Sa Instagram, isang madamdaming post ang ibinahagi ni AiAi bilang pamamaalam sa kanyang namayapang ina kung saan makikita ang ilang video mula sa 90th birthday celebration nito.

"Mami-miss kita Mama, Mommy, Mother Goose, Mudrakels, and originally Inay," saad ni AiAi.

Sa July 19 sana ipagdiriwang nina AiAi ang ika-94 kaarawan ng kanyang ina ngunit hindi na ito umabot.

"90th bday niya ito, hindi na niya inabot sa July 19 dapat 94 na siya, 'di bale mama goodlife ka naman tsaka hindi ka nahirapan sa pag alis mo the best ka talaga Lord," ani AiAi.

Sa huling parte ng mensahe ng comedy concert queen, nagpasalamat siya sa pagmamahal at pag-aaruga na ibinigay sa kanya ng kanyang nanay Justa.

Aniya, "Super pray ako kanina na 'wag ka mahirapan and hindi nga. I love you and thank you sa pagmamahal, pag-aalaga, at pagpapaaral sa akin. Rest ka na mama. kamusta mo ako kay Lord and Mama Mary."

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Sa nasabing post, nagbigay naman ng pakikiramay ang ilang kaibigan ni AiAi tulad nina Rita Daniela, ZsaZsa Padilla, at Iza Calzado.

Bata pa lamang ang aktres na si AiAi nang ampunin siya ng kanyang kinilalang ina na si Justa na hindi na rin na lalayo sa kanya dahil kapatid ito ng kanyang biological father. Si Justa ang nagpalaki, nagpaaral, at sumuporta kay AiAi maging hanggang sa kanyang pag-aartista.

Pakikiramay at mahigpit na yakap, AiAi.

Samantala, alamin naman ang ilang notable mother roles ni AiAi sa gallery na ito: