
Sa isang recent vlog ni Aiko Melendez, nakapanayam niya ang sariling anak na si Andre Yllana kung saan nagkaroon ng sit-down heart-to-heart interview ang mag-ina.
Saad ni Aiko sa Instagram, "Isa ito sa pinaka magandang interview na nagawa ko at pinaka paborito ko. Ang dami ko natutunan sa anak ko and @andreyllana Being the quiet type sa mga anak ko first time nya ishare sa public ang true feelings nya sa lahat ng pinagdaanan niya, na sana makapulutan ng aral ng mga kabataan ngayon. Paano malalampasan ang depression. True feelings of a son who grew up in a broken family. And why sometimes In Life it is ok to not be ok…. Abangan mamaya po sa aking Youtube channel. #Selflove"
Isa sa mga tanong ni Aiko ay kung may panahon ba na nagselos siya sa kanyang nakababatang half-sister na si Marthena Jickain.
Sagot ni Andre, "Oo naman, iba kasi kapag pinalaki mo 'yung babae at lalaki. Mas tutok sa babae. Dumating pa nga sa point na naisip ko na baka may favoritism eh. Pero understandable naman kasi babae si Mimi. May times lang na nagtatampo ako pero hindi para magtagal ng more than a day."
Naibahagi rin ni Andre kung ano ang mga pangarap niya, "Una gusto ko na talaga sumikat, like you, to that level. Pangalawa, gusto ko na kumakarera."
Nagkaroon man ng panahon na nawalan ng tiwala sa sarili, naging matatag pa rin si Andre sa pagsunod sa pangarap. "There was a time nung kakastart ko pa lang, noong time na 'yun feeling ko hindi naman para sa akin ito. Nitong pandemic 'tsaka noong nagkausap kami ni Lolo Dan [Castañeda], sabi niya 'Andre, hindi lahat ng tao may opportunity na binibigay sa'yo.' Doon ako nauntog. 'Yun 'yung nag-push sa akin."
Nakaramdam din daw siya ng pressure na sundan ang yapak ng celebrity parents. "Pinaka-na-pe-pressure lang naman ako kasi magaling kang umarte. Hindi naman lahat ng artista kapag nagsimula magaling na agad. 'Yun 'yung pinaka kinatatakutan ko na baka hindi ko ma-reach 'yung standards ng mga directors."
Kahit pa hiwalay ang mga magulang, hanga si Andre lalo na sa pagpapalaki sa kanila ni Aiko.
Aniya, "Mas andoon sa side na naawa ako. Nakita ko kung paano mo kami ginapang ni Mimi kahit ikaw lang mag-isa. Nandoon ako sa proud talaga ako sa'yo mom."
Kwento ni Andre, gumawa pa raw siya ng paraan noong bata pa siya para magkabalikan ang mga magulang. "Kunwari makikita kami ni Dad, ang pinaka-goal ko noong bata ako magkabalikan kayo.
Pagdating ko, gumagawa ako ng kwento, 'Ma, gumaganda ka raw...miss ka na raw ni Daddy.' Noong malaki na ako ako na rin nakakita na talagang hindi mag-wo-work kahit magkabalikan sila hindi magiging masaya 'to."
May mensahe rin daw si Andre sa ama na si Jomari, "Siguro 'yung thirst ko for a father...dati grabe ako maghabol kay dad, siguro nasanay na rin ako na parang wala siya. Pasensya na lang kung may mga times na nakakalimutan kita."
Dagdag niya, "Kahit anong mangyari I'll always be here for you through thick and thin, may mga bagay lang na hindi na kasing init ng dati."
May mensahe rin si Andre para kay Aiko, "Una, sorry kasi may stage ng buhay ko na naging sakit ng ulo ako. Sorry kung may mga times na hindi kita nirereplyan. Thank you kasi kahit na galing ako ng broken family hindi ko na-feel na incomplete ako kasi binuo mo kung sino ako. Thank you kasi pinalaki mo akong humble and kahit papano mabait. Thank you for always being there, and for being the best mom."
Panoorin:
LOOK: ANDRE YLLANA THROUGH THE YEARS