GMA Logo Anthony Rosaldo and brother Andre
Image Source: theanthonyrosaldo (Instagram)
What's Hot

Anthony Rosaldo, nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 15, 2022 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Anthony Rosaldo and brother Andre


"We will still celebrate [Christmas] as if nandyan po siya," sambit ni Anthony Rosaldo.

Magiging malungkot ang Pasko ng mang-aawit na si Anthony Rosaldo dahil sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Andre dahil sa lung cancer.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Anthony, aminado siya na magiging malungkot ang kanilang Pasko ngayong taon.

"It's hard po. Noong mga nagdaan pong months, talagang I worked hard po para makapag-provide po sa kapatid ko na may cancer, and gusto ko po talagang humaba 'yung buhay niya at talagang lumaban po siya," naluluhang sagot ni Anthony.

"Pero 'yun nga po, hindi na po kinaya ng health niya dahil stage 4 na po.

"Magiging malungkot po 'yung Pasko kasi first time pong wala si Kuya pero I'll do my best po na pasayahin pa rin sila kasi being the breadwinner of the family and the rock of the family, talagang I want to make sure na happy sila, at 'yun naman 'yung gusto ng kuya ko, na maging happy kami together."

Nagluluksa man, panatag na ang loob ni Anthony dahil wala nang nararamdaman na sakit ang kanyang kuya, at kasama na nito ang namayapa nilang ama.

"Kahit wala po siya, we will still celebrate as if nandyan po siya," pagtatapos ni Anthony.

Condolences, Anthony.