GMA Logo Saviour Ramos
What's Hot

Paano natanggap ni Saviour Ramos na hindi na magkakabalikan ang kaniyang Daddy Wendell at Mommy Jet?

By Aedrianne Acar
Published January 24, 2023 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Is Chavit Singson considering to buy Miss Universe Organization? 
27 couples wed in Jaen civil wedding
BTS's pop-up store is coming back to Manila this December

Article Inside Page


Showbiz News

Saviour Ramos


Sparkada heartthrob Saviour Ramos, nagkuwento tungkol sa kaniyang biological mom na si Jet Magdangal at stepmom na si Kukai Guevarra.

Mas lalong nakilala ng publiko ang anak ni Wendell Ramos na si Saviour Ramos sa exclusive interview ng manager at vlogger na si Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel.

Si Saviour Ramos ay part ng Kapuso youth-oriented group na Sparkada na ni-launch last 2022 at ngayon isa sa promising actors ng GMA-7 ngayong.

Naging bukas ang Kapuso heartthrob sa one-on-one interview sa kaniya ni Ogie na tumatayo rin godfather niya nang mapag-usapan ang kaniyang pamilya at naging hiwalayan ng kaniyang Daddy Wendell Ramos at nanay niya na si Jet Magdangal.

Tanong ni Ogie sa inaanak, kung nung bata ba siya ginusto niya rin magkabalikan ang kaniyang mga magulang.

Pag-amin ni Saviour, “Hindi na 'ko umasa, Ninong. Kasi baby pa lang ako 'di ba, nung two na ako 'yung stepmom ko ngayon, 'yun na 'yung nagbabantay sa akin.”

Ang stepmom na tinutukoy ng aktor ay ang current partner ng kaniyang ama na si Kukai Guevarra.

Pagpapatuloy nito, “Nung nagkaka-isip na ako nagkaroon na ako, 'Ay! Kapatid kay Papa, kapatid kay Mama', may taguan pa. Alam mo 'yun, parang ikaw bata ka, gulong-gulo ka 'di ba?

“So ako, parang enjoy lang ako nun Ninong e, alam mo ako, e. Kami nila Papa dati, basta labas basketball okey ako. Pero nung, nagkaka-edad ako, naiisip ko Ninong, okey na siguro hindi sila nagkabalikan. Kasi parang okey ako sa kung ano'ng meron kami ngayon na malaki 'yung family.”

May isa pang anak si Wendell Ramos na si Dedell. Samantala, ang Sparkle actress na si Tanya Ramos at Mary Ann Mardell, ang mga supling niya sa misis na si Kukai.

Buong-puso rin tinatanggap daw ni Saviour ang kaakibat na pressure na pasukin ang show business, lalo na at kilala bilang isa sa mahuhusay na aktor ang kaniyang ama.

Kuwento ni Saviour sa kaniyang Ninong Ogie na ibinibigay niya ang “best” niya sa lahat ng kaniyang ginagawa.

Paliwanag niya, “Challenge, tapos motivation siya Ninong na hahanap ka ng way para mas maging best ka.

“Hindi para higitan 'yung naabot ng parents mo, pero para lang for yourself.

“Alam mo kung saan ka magaling, ano 'yung strengths mo. More on learning po talaga, e.”

Napanood na si Saviour Ramos sa mga award-winning comedy programs na Bubble Gang at Pepito Manaloto last year.

At kabilang din siya sa cast ng mini-series na Raya Sirena kung saan bumida sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

FIND OUT MORE ABOUT SAVIOUR RAMOS IN THIS GALLERY: