GMA Logo Christian Bautista, Kat Ramnani
Source: thekatbautista (IG)
What's Hot

Christian Bautista, Kat Ramnani not pressured to have a baby

By Jansen Ramos
Published January 25, 2023 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12k individuals affected by Typhoon Tino in Negros Island receive help from GMA Kapuso Foundation
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Christian Bautista, Kat Ramnani


Naniniwala ang 'The Clash' judge na si Christian Bautista na bibiyayaan sila ng anak ng asawang si Kat Ramnani sa tamang panahon.

Apat na taon nang kasal si Christian Bautista sa asawa niyang si Kat Ramnani.

Wala pa silang anak kaya ine-enjoy muna nila ang kanilang married life nang sila munang dalawa gaya ng pagta-travel sa US, Africa, Indonesia, at iba pang lugar.

"When the right time comes, I guess, when the Lord gives us that child. We're also, of course, longing for a family," bahagi ni Christian sa panayam sa kanila ni Karen Davila para sa YouTube channel ng broadcaster.

Nilinaw ni Kat na sinusubukan at ipinagdarasal nila ni Christian na magkaroon ng anak. Pero nananatili silang pasensyoso pagdating dito.

Saad niya, "We've been praying for it and trying. Thankful for all the medical advances that are there to assist us. Not maybe our time right now but hoping it will be in the future because I think Christian will be a phenomenal dad and I'd be honored to have a kid with him so please pray with us."

Ilang beses nang natanong si Christian ng media pagdating sa kanilang baby plans ni Kat. Pero paliwanag ng huli, hindi sila nape-pressure sa expectations ng kanilang fans at ng ibang tao.

Ani Kat, "The only opinions that matter to me are my husbands' and my families' and they never pressured us so I'm fine with it.

"And I know it's in God's time so no, I can't feel the pressure and I can't be pressured. I need to make my body healthy so I can have a baby."

'Best wife award'

Hindi lang si Christian ang nakakatanggap ng award dahil literal na binigyan ng mang-aawit ang kanyang misis ng isang tropeyo para kilalanin itong "best wife."

Mas pinadali raw ni Kat ang kanilang buhay may-asawa at hindi sila nag-aaway.

"It's never a fight, it's a discussion. And you know what, I've never been in a relationship where somebody talks to me when they want to resolve the problem," bahagi ni Kat.

Para kay Christian, constant hard work ang pag-aasawa kaya goal nila ni Kat ay "to be the right person for each other."

Mas naging makabuluhan nga raw ang buhay ni Kat nang dumating si Christian na nakilala niya noong 2015.

"Before Christian, I was existing but he gave me life."

Panoorin ang buong panayam sa video na ito:

Magkakaroon ng major solo concert si Christian para sa kanyang 20th anniversary sa music industry.

Gaganapin ito sa Sabado, January 28, sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati.

BALIKAN ANG ILANG ACHIEVEMENTS NG ASIA'S ROMANTIC BALLADEER SA GALLERY NA ITO: