GMA Logo Sharon Cuneta and KC Concepcion
PHOTO SOURCE: @reallysharoncuneta
What's Hot

Sharon Cuneta, nami-miss ang dating samahan nila ni KC Concepcion

By Maine Aquino
Published February 27, 2023 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Sharon Cuneta and KC Concepcion


Inamin ni Sharon Cuneta na may mga hindi sila pagkakaunawaan ni KC Concepcion.

Inilahad ni Sharon Cuneta ang kaniyang pagmamahal sa anak na si KC Concepcion at ang kanilang mga pinagdaanang hindi pagkakaunawaan.

Si KC ay ang nagiisang anak ni Sharon at Gabby Concepcion.

Pag-amin ni Sharon sa kaniyang interview sa YouTube channel ni Ogie Diaz, "Okay kami, minsan hindi. Okay ngayon, bukas hindi."

Saad pa ng Megastar, "Parang I don't know anything about my eldest daughter's life. Very little lang alam ko. Since bata siya hindi naman siya nag-o-open up sa akin unlike her siblings. Siguro siya na 'yun.'"

Ayon kay Sharon ay hindi niya maunawaan kung bakit ganoon ang nangyari sa kanilang relasyon bilang mag-ina.

Sharon Cuneta and KC Concepcion

PHOTO SOURCE: @reallysharoncuneta

"Hindi ko alam bakit nagkaganoon e sa akin naman lumaki. Katulong ko mommy and daddy ko pero hindi siya exclusively lumaki sa lola niya. Sa akin siya nakatira."

Kuwento pa ni Sharon sa kaniyang interview ang hiling ng isang magulang.

"Ang magulang gusto lang appreciation, respect, a little acknowledgment."

Nilinaw ni Sharon na walang siyang masamang intensyon sa mga sinabi niya tungkol sa anak na si KC.

"Hindi ko sinisiraan yung anak ko. Anak ko 'yun e, inaaway ko nga yung ibang tao 'di ba?

"Kaya ko siguro naiiyak, nami-miss ko 'yung dating relationship namin," saad ni Sharon.

Ikinuwento rin ni Sharon na hiling niya ang kaligayahan ni KC.

"Napakabuti ng anak ko, she deserves happiness.

Ayon din sa aktres, baka raw hindi lang talaga tugma ang kanilang ugali bilang mag-ina.

"Hindi lang siguro kami swak sa ugali. Nalulungkot din ako dahil yung time na naibibigay ko ngayon kaya sabi ko sa 'yo may pagkukulang din, naiintindihan ko rin siya."

Isa pa sa mga hiling ng Megastar sa panganay na anak at sa kaniyang mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel ay ang kanilang sucess sa ano mang career at kanilang kaligayahan.

"Gusto kong maging mas successful pa sa akin si KC at lahat ng anak ko. At hindi lang 'yun, mas importante sa akin 'yung maging happy sila."

Pag-amin pa ni Sharon, pinaalalahanan niya si KC na lagi siyang naghihintay sakaling kailanganin siya nito.

"Ako naman I'm just here. When she needs me, I'm here."

SAMANTALA, NARITO ANG MGA THROWBACK PHOTOS NI SHARON CUNETA: