Article Inside Page
Showbiz News
What do Megan Fox, Alodia Gosiengfiao, and Steven Spielberg have in common?
By EUNICIA MEDIODIA

Kung alam mo ang katagang “Get over here!” ng Mortal Kombat, siguradong maalala mo si Scorpion na madalas itong sabihin para talunin ang kanyang mga kalaban. Marami ang nahumaling sa Mortal Kombat games pati rin sa mga movies tungkol dito.
Kaya naman hindi nakakapagtaka na meron ding mga sikat na tao ang nagkahilig sa laro at palabas na ito. Kabilang dito sina:
Megan Fox
Ang American actress na hindi lang maganda, mahilig at magaling din siyang maglaro ng video games. Nahumaling siya sa Mortal Kombat. Isa ito sa mga paborito niyang games at inaming magaling siya rito. Hindi raw niya kailangang gumamit ng mga cheat codes para manalo.
Steven Spielberg
Ang kilalang Hollywood film director ay isang avid fan ng mga games, lalong lalo na ng Mortal Kombat. Supposedly, magkakaroon siya ng cameo appearance sa 1995 na Mortal Kombat ngunit hindi siya nakarating dahil sa kanyang busy schedule.
Alodia Gosiengfiao
Ang Cosplay Queen of the Philippines na si Alodia Gosiengfiao ay mahilig gumamit ng mga Mortal Kombat characters para sa kanyang cosplay. Siya ay nakapag-cosplay na ng over 40 anime characters including Mortal Kombat.
Kilalanin ang mga iba’t ibang characters ng
Mortal Kombat sa
Sunday Night Box Office (SNBO) at 10:55 p.m. on GMA this Sunday!
And remember Kapuso, the fun starts this Saturday with GMA's new program lineup. Check it
here.