
Sa mahigit isang dekada, tiyak napangiti na kayo sa tuwing maririnig ang nakaka-LSS na theme song ng award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto.
Ang sitcom ay tungkol sa buhay nina Pepito (Michael V.) at asawa niya na si Elsa (Manilyn Reynes) na nagbago ang buhay nang tumama si Pitoy ng jackpot prize sa lotto.
Bukod kina Michael V. at Manilyn, kabilang din sa star-studded cast nito sina John Feir, Jake Vargas, Angel Satsumi, Arthur Solinap, Mosang, Janna Dominguez, Jessa Zaragoza, Ronnie Henares, at Nova Villa.
Kaya hindi nakapagtataka na naging Saturday night anthem na ang theme song ng Pepito Manaloto, na ngayon ay binigyan ng “anime twist” ng isang netizen.
Makikita sa video na i-shinare ni James Charles Santos sa Facebook ang fan-made video na pasok sa panlasa ng fans ng Japanese anime.
Umana na ito ng libu-libong likes matapos ito ma-upload sa Facebook noong April 10,2021.
Narito naman ang animated Filipino version ng theme song ng Pepito Manaloto:
Kaya kung gusto n'yo ng unli-good vibes tuwing Sabado, huwag pahuhuli sa adventure ni Pepito at ng Manaloto family pagkatapos ng 24 Oras Weekend!
Heto ang ilan sa mga milestones ng Pepito Manaloto sitcom sa mahigit isang dekada nito sa telebisyon sa gallery below: