Article Inside Page
Showbiz News
Sa mga sumunod na araw pagkatapos ng death ni Marky, ang mga artistang nakasama niya ay agad ipinamalita sa kanilang mga fans para ipaalam at humingi ng support
Nagimbal ang mundo ng Philippine Showbiz nang ma-report ang tungkol sa pagkamatay ni Marky Cielo . At sa mga sumunod na araw, ang mga artistang nakasama niya ay agad itong ipinamalita sa kanilang mga fans, para ipaalam at humingi ng support. Photos by Mitch S. Mauricio.
Angelika dela Cruz: It is a very sad day. Friends please pray for the soul of Marky Cielo. He is now home with the Lord.
Arthur Solinap: Let us pray for the soul of Marky Cielo. Ang lungkot lahat namin dito sa set because of Marky Cielo's death. We're planning to go sa funeral niya later after ng taping namin dito sa
Gagambino.
Chynna Ortaleza: Kindly pray for Marky. May he rest in peace. Please pray for his loved ones as well. He may not be with us but he is with God now. He is home.
Gian Magdangal: Hello guys. Good evening. Please pray for Marky Cielo and his family. Huwag rin kalimutan mag-simba.
Yasmien Kurdi: Sad afternoon. Namatay na po si Boknoi kahugz. Ayaw ko maniwala but it's true; sinabihan ko palang siya last time [na] alalay lang sa work wag mag-overwork. Everyone wants peace. Lets keep it that way! I will surely miss Marky. Pag naglambing yun nanunundot [ng] tagiliran; then [he'll] smell you near your arm [before saying] 'Asim!' Tapos tatawa!
Let's keep him in peace. Enough speculations—he's kind, innocent, probinsyano [at] hindi niya ikinakahiya. [He's also a] good son and a good brother.
Gabby Eigenmann: Our industry is mourning for the loss of our Kapuso Marky Cielo. Let's pray for the family. Salamat.
Kris Bernal : Grabe nakakalungkot nangyari kay
Zaido Green. Napakabait niya. Ngayon ko lang ulit na-feel 'yung ganitong sakit. Pagdasal natin siya; maraming salamat sa mga nagmamahal sa kanya.
Rhian Ramos: Ang lungkot ng day [na] walang kibuan, ang hirap umarte. Pinagpray namin si Marky kanina. Pinuntahan ko siya kagabi. Balik ako mamaya.
Aljur Abrenica: Sa aking mga Kapuso, ipagdasal po natin ang isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Marky Cielo na maagang namayapa, na kay Lord na po siya; salamat po.
Baranggay LS's Ate Liza: Kanina showbiz news ko ang pgpanaw ni Marky Cielo. Nakakagulat talaga ang pangyayari. I remember him na palaging bumabati pag nagkikita kami. Nakakahinayang.
Jan Manual: Mga friends. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang pinakamabait namin na kaibigan. Kumain pa kami [nung] morning ng Saturday. 'Yun na pala 'yung huli.
Jolina Magdangal: Ipagdasal natin ang kaluluwa ni Marky Cielo pati na ang mga mahal niya sa buhay.
Thank you to
Fanatxt for allowing us to publish these messages from Marky's friends and colleagues.
And here at iGMA, we would like to offer our condolences sa mga naiwan ni Marky. Marky, we will always be the place kung saan you never had to be anyone else but yourself.