GMA Logo Bea Alonzo
What's on TV

Fans ni Bea Alonzo, masaya para sa first Kapuso drama series ng kanilang idol

Published September 27, 2022 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Taas-kamay ang mga tagahanga ni Bea Alonzo!

Mula nang inilabas ng GMA Network ang official announcement tungkol sa first-ever GMA drama series na pagbibidahan ni Bea Alonzo, nakaabang na ang kaniyang fans sa muli niyang pag-arte sa telebisyon.

Noong una, naging usap-usapan at hinulaan pa nga ng ilan kung ano nga bang proyektong ito ngunit kalaunan ay mas naging maingay ang kaniyang pangalan nang malaman ng kaniyang mga tagahanga na isa siya sa mapapanood bilang lead star sa Start-Up PH.

Nito lamang September 26, ilang oras bago ang world premiere ng programa, ramdam na ramdam online ang suporta ng fans ni Bea Alonzo para sa kauna-unahan niyang drama series na pagtatambalan nila ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.

Kaniya-kaniyang paandar ang fans ni Bea upang maipakita ang pagsuporta nila sa award-winning actress.

Ang ilan, gumawa pa ng Twiter banners para kay Bea, at ang iba naman ay nag-post ng kaniyang mga larawan sa social media.

Sa katatapos lang na pilot episode ng bagong GMA show, umani ng napakaraming positive comments ang Kapuso actress.

Kasalukuyang napapanood si Bea sa Start-Up PH bilang si Danica “Dani” Sison, ang sweet, at masipag na apo ni Lola Joy, ang karakter na ginagampanan ng veteran actress na si Gina Alajar.

Isa rin siyang babaeng may mataas na pangarap sa buhay at dahil iniwan siya ng kaniyang ina at kapatid, gagawin niya ang lahat upang may mapatunayan sa mga ito.

Patuloy na subaybayan ang buhay ni Dani sa Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.

Samantala, mapapanood din ang bagong ang Start-Up PH sa GMA PinoyTV.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: