GMA Logo Camille Prats
What's on TV

Fans ni Camille Prats, excited na sa kanyang pagbabalik drama sa 'AraBella'

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 25, 2023 2:59 PM PHT
Updated February 2, 2023 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Celtics exploit short-handed Bucks for latest lopsided win
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats


Abangan ang pagbabalik ni Camille Prats sa drama matapos ang limang taon sa 'AraBella,' malapit na sa GMA Afternoon Prime.

Matapos ang limang taon, magbabalik drama na ang dating child star na si Camille Prats sa upcoming GMA Afternoon Prime series na AraBella, kung saan makakasama niya sina Shayne Sava at Althea Ablan.

Noong Martes, January 24, inilabas na ang unang teaser ng AraBella kung saan nagkaroon na ng ideya ang mga manonood kung ano ang magiging istorya nito.

Taong 2018 pa umere ang huling drama na pinagbidahan ni Camille na Ang Forever Ko'y Ikaw, kung saan nakasama niya si Neil Ryan Sese, kaya naman excited na ang kanyang mga tagahanga na muling siyang makitang umarte.

Komento ng isang tagahanga ni Camille, "Camille is baccckkkkkk!!! finally!! i missed her on tv.. may aabangan na naman ako."

Ilang tagahanga din ang nag-welcome kay Camille sa pagbabalik niya sa GMA Afternoon Prime.

Sa AraBella, gagampanan ni Camille si Roselle na isang inang patuloy na hinahanap ang kanyang anak kahit isang dekada na itong nawawala.

Makita pa kaya ni Roselle ang kanyang anak na si Bella? Abangan ang kaabang-abang na istorya ng AraBella, malapit na sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN DITO ANG MODERN FAMILY NI CAMILLE PRATS SA TOTOONG BUHAY: