
Nagpasiklab ang Kapuso star at former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na si Heath Jornales sa isang event sa Makati noong Sabado, April 11, kung saan kinanta nito ang kaniyang original song na Back To You.
All-out naman sa suporta ang kaniyang mga fans sa pag-sing-along sa single ni Heath na opisyal na ilalabas pa lamang sa Biyernes, April 17.
Sa kaniyang pagbisita sa noontime variety show na It's Showtime noong Biyernes, April 10, ibinahagi ni Heath ang istorya sa likod ng Back To You na unang inawit ng aktor sa loob ng Bahay ni Kuya.
"No matter how many times that person breaks your heart or ilang beses ka i-reject, parang you still fall back to them e," kuwento ni Heath.
Lubos naman ang pasasalamat ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemate sa mga dumalo sa nasabing event sa Makati, “Thank you guys for an awesome night.”
Mapapanood si Heath ngayong Linggo, April 19, sa kaniyang fan meeting na Heath Wave: The Ultimate Fan Jam sa SM North EDSA Skydome.
RELATED CONTENT: KILALANIN SI HEATH JORNALES DITO