Article Inside Page
Showbiz News
As expected, overwhelming muli ang response ng fans ni Jennylyn Mercado from all over the world sa kanyang iGMA Live Chat last May 7, 2009.
As expected, overwhelming na naman ang response ng fans ni Jennylyn Mercado from all over the world sa kanyang iGMA Live Chat last May 7, 2009. Overwhelming dahil it looks like habang tumatagal, lalong tumitindi ang suporta ng mga fans ng young mom na ito. Text by Rose Galvez. Interview by Erick Mataverde. Photos by Mitch Mauricio.
This last pre-birthday chat with Jennylyn proved to be remarkable not just because napakarami ang nagpadala ng questions, kundi—can you imagine—na-surpass pa nito ang kanyang mga
previous live chats on iGMA.

"Nakakatuwa kasi hindi pa rin nila ako sinusukuan," Jen says of her fans' warm reception. "Talagang nagcha-chat pa rin sila, nagse-send pa rin sila ng mga messages. Nakakatuwa, nakakalambot ng puso—talagang sobrang saya ng pakiramdam."
Talagang hindi makuhang maubusan ng tanong ang mga chatters, and one of the topics most brought up was Jen's yet-to-be-released coffee table book. Dito niya naramdaman ang pagkasabik ng kanyang fans not just to see it, but to actually get a hold of the book.
We asked her kung tungkol sa pagiging isang ina niya ang scope ng libro, since they started planning and actual photograph-taking when she was pregnant with her son AJ.
"Parang biography bale [so hindi lang about motherhood]," sagot ni Jen. "'Yung buong buhay ko na nandoon in pictures, mula ng pagkabata ko."
Kasama ba ang picture ni Mark Herras sa libro?
"Alam ko nandun, kasi, buong buhay ko [nandoon] eh. Nandun 'yung
StarStruck [batch mates and friends ko]."
And speaking of Mark, ano ba ang maabangan sa inyo ng viewers ng
Paano Ba Ang Mangarap, ngayong malapit na itong magtapos?
"Naku! Marami," Jen reveals. "Kasi magsasama kami sa iisang bubong. Abangan nila 'yun, kasi pagsasamahin kami, talagang giyera ‘yon, hindi ba? Tapos ako [as Lissa], lumalaban na ako. Si Donya Francia at saka si Maya, asar na asar na sa akin, na parang, 'Salbahe ka!' parang, 'Ikaw na lang kaya 'yung kontrabida, kami na lang 'yung bida,' gano’n."
Talagang all-out war na yata ang maaasahan natin sa ending ng
PBAM. But how about her concert? All-out na rin ba ang pagpa-practice niya, now that she only has a few days to go before the big day?

"Hindi, kasi nagkasakit ako so [nag-trim] down [kami] sa mga songs na medyo matataas kasi maga 'yung vocal cords ko," paliwanag ni Jen. Ito pala 'yung time na sinugod siya sa ospital last week dahil sa sobrang taas ng fever. "So hindi puwedeng mag-push nang mag-push. Hanggang ngayon nga, kita mo, meron pa rin akong ubo, may plema pa, so ang hirap kumanta. Ngayon, medyo nakabalik na nga 'yung boses ko [pero] nung mga past fews days talagang [wala]."
Ano pa ang aabangan ng fans mo sa iyong birthday concert, ngayong puwede ka nang kumilos onstage? Last time kasi, Jen was heavily pregnant and of course, had to content herself with singing while sitting down.
"Magsasayaw ako, mag-giguitar ako [this time]," Jen says.
And, of course, ano ba ang birthday wish niya for herself?
"Siguro good health kasi madalas ako nagkakasakit. Kasi ganun pala talaga ‘pag nanganganak. Kakatapos ko lang manganak [so] may lagnat, may ubo, sipon—ang daming kumakapit na sakit sa ‘kin. ang daming allergies. Kung minsan parang, 'Hay, ‘di ako makalapit sa anak ko" ‘pag may sakit ako. Kaya nakakalungkot. Tulad ngayon, two weeks na akong ‘di nakakalapit sa kanya."
We do wish Jen the best of health not only for this year, but in all others to come. Kaya Jen, here's to you and your star power! Hanggang ngayon, todo-suporta pa rin ang mga fans mo because they can see you shine—not just sa pagiging isang magaling na artista, but as a loving mom as well.
Gusto mo bang maging updated kay Jennylyn? Subscribe na sa Fanatxt service niya! Just text JENNYLYN to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk 'N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is available in the Philippines only.)