
Mapapanood gabi-gabi ang bagong Korean drama series na handog GMA Heart of Asia para sa bawat Kapuso.
Ito ay ang romantic-urban fantasy drama na Tale of the Nine Tailed.
Isa sa inaabangan ng marami na bibida rito ay ang Korean actor na si Lee Dong Wook na gaganap bilang isang gumiho.
Ayon sa kanyang fans, excited na silang mapanood si Lee Dong Wook sa bagong Korean drama series na ipapalabas na mamaya sa Philippine television.
Anu-ano nga ba ang dapat abangan ng mga Kapuso sa Tale of the Nine Tailed?
Narito ang mga sagot na nakuha ng GMA Heart of Asia sa ilang fans ni Lee Dong Wook:
Ayon kay Titay Sta Monica, "Papatunayan niya [Lee Dong Wook] na love can wait and it can conquer all even after hundreds of years."
Sabi naman ni Arianne Ramos, "The chemistry between Lee Dong Wook and Jo Bo-ah is unexpectedly good."
Para naman kay Migel Angelo Villegas, "Isa sa mga dapat abangan ng ating mga Kapuso diyan ay yung pagiging soft nine-tailed fox ni Lee Dong Wook at kung gaano siya ka-cute umarte."
"Another side of Lee Dong Wook has been unleashed through this drama,” pagbabahagi ni Pauline Papa.
Para kay Macklaen Dan Cruz, hindi lang daw love story ni Jo Bo-ah at Lee Dong Wook ang dapat abangan sa Tale of the Nine-Tailed, "Aside from love story nina Jo Bo -ah, is yung relationship niya with Kim Bum. Aakalain mo talagang magkapatid sila."
Ayon naman sa isa pang fan na si Norlina Destua, "Bukod sa stunning visual ni Lee Dong Wook, mamamangha kayo sa special effects and cinematography ng drama na ito."
Excited na rin ba kayong mapanood ang bagong handog ng GMA Network na magdadala ng kilig at hiwaga sa puso ng mga manonood?
Panoorin ang 'Tale of the Nine Tailed' tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang co-star ni Lee Dong Wook na si Kim Bum sa gallery na ito: