GMA Logo Anton, Marco, at Heath in PBB
Courtesy: anton_vinzon (IG), heathjornales (IG), itsmemarcomasa (IG)
What's Hot

Fans nina Anton, Marco, at Heath, nagpakita ng suporta sa mga nominadong Kapuso housemates sa PBB

By EJ Chua
Published November 25, 2025 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump says NATO’s refusal to help on Iran is ‘very foolish mistake’
Up to 500 PISTON members to join transport strike in Metro Cebu
50 pamilyang nasiraan ng bahay dahil sa Bagyong Uwan, binigyan ng roofing materials | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Anton, Marco, at Heath in PBB


Sino kaya kina Anton Vinzon, Heath Jornales, at Marco Masa ang maliligtas sa ikalawang eviction night sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'?

Ongoing pa rin ang online voting para iligtas ang mga nominadong housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Kasabay nito ang pagsuporta rin ng iba pang fans para sa Kapuso housemates na nanganganib na maagang mapalabas mula sa Bahay Ni Kuya.

Sa ilang social media posts, mababasa ang panawagan at kanya-kanyang paraan ng netizens para maisalba ang Sparkle stars na sinusubaybayan nila sa teleserye ng totoong buhay.

Tatlong male Kapuso housemates ang kabilang sa mga nominado ngayong linggo at sila ay sina Anton Vinzon, Heath Jornales, at Marco Masa.

Narito ang ilang komento, reaksyon, at panawagan ng fans nina Anton, Heath, at Marco:

Samantala, bukod sa tatlong Kapuso, nominado rin ang iba pang kabilang sa Team Determined Warriors.

Sila ay ang Star Magic artists na sina Carmelle Collado, Eliza Borromeo, at Krystal Mejes.

Matatandaang ang kanilang grupo ang nakakuha ng pinakamababang kabuuang puntos sa katatapos lang na bagong Ligtask Challenge.

Nagmula ang naturang nominasyon sa Team Smiling Angels, ang grupong pinapili ni Big Brother kung sino ang magiging nominado matapos nilang manalo sa naturang ligtask.

Sino kaya sa Kapuso housemates ang magpapatuloy ng kanyang journey sa loob ng iconic house at sino kaya ang sasalubungin na ng outside world?

Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong housemates.

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ito, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'