
Isang billboard ang inihanda ng fans para sa kanilang idols na sina Caprice Cayetano at Clifford.
Sina Caprice at Clifford ay bahagi ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.
Makikita sa billboard ang kanilang fun moments sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0. Mayroon ring nakalagay sa electronic billboard na "The Next Big Thing" at "The Ultimate Plot Twist."
Saad naman sa caption ng Sparkle, "Caprice Cayetano and John Clifford's fans just lit up the metro with a glowing electronic billboard along EDSA!"
Samantala, patuloy na subaybayan ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m., Sabado tuwing 6:15 p.m., at Linggo 10:05 p.m. sa GMA Network.