What's on TV

Fans ship Boyet-Aubrey love team in 'My Special Tatay'

By Nherz Almo
Published December 18, 2018 5:26 PM PHT
Updated December 18, 2018 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Tuluyan na bang nahulog ang loob ni Aubrey kay Boyet?

Tuluyan na bang nahulog ang loob ni Aubrey kay Boyet?

Boyet-Aubrey
Boyet-Aubrey

Ito ang hinuha ng fans nang mag-post ng teasers ang direktor ng hit afternoon series na My Special Tatay na si L.A. Madridejos sa kaniyang Twitter account.

Ang posts ay larawan nina Ken Chan at Rita Daniela, na gumaganap bilang sina Boyet at Aubrey. Ang mga larawan ay kuha mula sa episode ngayon, December 18.

Sa unang post, nilagay ni Direk L.A. sa caption: “Baka meron na. Ok lang naman db. Yung kinakatakot mo, eto na. E tinamaan e. Talagang ganun.”

Bagay na ikinatuwa at ikinakilig ng fans ng love team nina Boyet at Aubrey o BoBrey.

Sabi ng isang Twitter user: “Pag tinamaan ka, tinamaan ka. Tanggapin mo nalang na tinamaan ka, kasi tinamaan ka e, wala na tayong magagawa kung sa kanya ka tinamaan. tama ba direk? #MSTFindingEdgar”

Isang Twitter user naman ang napakanta ng “Kapag Tumibok ang Puso” nang magbigay ng payo kay Aubrey: “Aubrey tandaan mo kapag tumibok ang puso wala kanang magagawa kundi sundin ito. Wag ka matakot, ipag laban mo.”

Isa pang Twitter user ang hindi napigilan ang tuwa sa post ni Direk L.A., na tila pahiwatig sa mga dapat pang abangan tungkol kina Boyet at Aubrey.

“In love ka na Aubrey!!! BoBrey is real na. Hahaha,” sabi nito.

Samantala, ilang fans ang tumutol sa sumunod na post ng direktor, na tila kabaligtaran ng una niyang post.

Sa caption ng larawan ni Boyet, sabi ni Direk L.A., “Mahal mo? O may hinahanap kang iba?”

Agad itong sinagot ng BoBrey fans:

Nahulog na kaya ang damdamin nina Boyet at Aubrey para sa isa't isa?

Sa ngayon, nangungulila pa rin si Boyet sa pagkawala ng kaniyang amang si Edgar.

Panoorin ang mga madamdaming tagpo sa paghihinagpis ni Boyet sa My Special Tatay.