
Isang emosyonal na eviction night na naman ang naganap nitong Sabado, May 10, sa paglabas ng JoRa duo nina Josh Ford at Ralph de Leon mula sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa eviction night, unang nakaligtas ang automatic nominees ng ShuCa duo na sina Shuvee Etrata at Bianca de Vera. Nang banggitin ang duo nina Xyriel Manabat at Dustin Yu bilang ikalawang naligtas, napagtanto nina Josh at Ralph na sila ang ikaapat na evictees mula sa Bahay ni Kuya.
Online, hindi naman makapaniwala ang fans ng JoRa duo na sila ang latest evictees mula sa PBB. Sa X (dating Twitter) naglabas ng kanilang saloobin ang ilang netizens. Isang user pa nga ang nagsabi na pruweba umano ang duo JoRa at MiLi, and duo nina Michael Sager at Emilio Daez, na hindi sapat na gawin mo ang best mo para makaligtas mula sa eviction.
Source: eurydiaries/X
Ipinahayag naman ng isang netizen kung gaano siya hindi makapaniwala na sina Josh at Ralph ang latest evictee. Saad nito, “I still can't believe that they're the ones who got evicted, knowing they were the most deserving to stay based on their personality and contributions inside the house.
Source: _vxfelixia/X
Meron ding pumuna na magkasunod na nawala sa Bahay ni Kuya ang dating magkaduo na sina Michael at Ralph. Saad pa ng netizen, sila pa rin ang strongest housemates para sa kanila.
Source: rdaileonxy/X
Isang netizen din ang hiniling na magkaroon ng long-term success sina Josh at Ralph sa paglabas nila ng bahay ni Kuya.
Source: ashraiah/X
Samantala, marami naman ang pumuna kung gaano kalakas at katapang si Ralph matapos manomina ng apat na beses bago tuluyang ma-evict mula sa Bahay ni Kuya.
Sources: atiraugust/X
Sources: rdaileonxy/X
Huwag palampasin ang susunod na mga sorpresa at twists sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.