
Maglakbay patungo sa mga kakaibang mundo kasama ang digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Para sa mga young at young at heart ang adventure film na Magikland na pinagbidahan ng young Kapuso stars na sina Miggs Cuaderno, Elijah Alejo, Princess Aliyah, Jamir Zabarte, at Hailey Mendes.
Tungkol ito sa mga batang gamers na mata-transport sa mundo ng isang fantasy mobile game na tinatawag na "Magikland."
Isa ito sa official entries ng 2020 Metro Manila Film Festival kung saan natanggap nito ang Best Musical Score, Best Visual Effects, Best Production Design, Best Virtual Float, FPJ Memorial Award at posthumous Special Jury Prize para sa producer nitong si Peque Gallaga.
Huwag palampasin ang Magikland, June 19, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa mahilig sa coming of age films, nariyan ang Above the Clouds.
Tampok sa pelikula si primetime action hero Ruru Madrid kasama ang Pinoy rock icon na si Pepe Smith.
Si Ruru Madrid ay si Andy, isang lalaki na naulila noong bagyong Ondoy. Dahil wala nang mga magulang, titira siya sa poder ng kanyang lolo na ginagampanan naman ni Pepe.
Hindi close ang dalawa kaya susubukan nilang mag-bonding para makalimutan ang pait ng pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagha-hike sa bundok.
Abangan ang Above the Clouds, June 16, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.