GMA Logo Ethan's Return
Source: jolo.estrada IG
What's on TV

Fantasy drama na "Ethan's Return," pangalawang Christmas special ng 'Regal Studio Presents'

By Marah Ruiz
Published December 9, 2021 6:43 PM PHT
Updated December 10, 2021 5:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wage hike OK'd for Northern Mindanao minimum wage earners, kasambahays
Woman run over by bus in Davao City; dies
Marian Rivera welcomes the new year in luxurious designer jewelry

Article Inside Page


Showbiz News

Ethan's Return


Tampok sina Thea Tolentino, Joaquin Domagoso at Jolo Estrada sa pangalawang Christmas special ng 'Regal Studio Presents' na "Ethan's Return."

Isang kaabang-abang na fantasy drama ang pangalawang Christmas special ng weekend anthology series na Regal Studio Presents!

Pinamagatang "Ethan's Return," tampok dito sina Thea Tolentino, Joaquin Domagoso at Jolo Estrada.

Source: jolo.estrada, theatolentino and jdomagoso IG

Si Thea ay si Grace, isang babaeng may mapapait na alaala sa Pasko.

Ten years ago, naaksidente at namatay ang kanyang first love na si Ethan, karakter ni Joaquin, habang papunta ito sa kanilang tahanan para mag-Noche Buena.

Magkasamang magluluksa si Grace at ang best friend ni Ethan na si Clark, karakter ni Jolo. Magiging malapit sina Grace at Clark at kalaunan ay magpapasyang magpakasal.

Habang naghahanda ang dalawa para sa kanilang kasal, isang hindi maipaliwanag na pangyayari ang kailangan nilang harapin. Magbabalik si Ethan hindi bilang multo kundi bilang isang buhay na tao at nanatili siyang 17 years old sa pisikal na anyo at alaala.

Bakit nagbalik si Ethan matapos ang maraming taon? Paano maaapektuhan ng kanyang pagbabalik ang relasyon nina Grace at Clark?

Alamin 'yan sa pangalawang Christmas offering ng Regal Studio Presents na "Ethan's Return," December 12, 4:35 pm sa GMA.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode mula sa gallery na ito: