
Sama na sa pag-celebrate ng culinary diversity sa Farm to Table.
Tampok ngayong Linggo, August 17, ang mga pagkain mula sa Pilipinas, Brazil, at Japan.
Mula sa Tanay, Rizal ipakikita ng isang coffee farmer ang paglago ng local coffee movement. May inihanda rin siyang tour sa coffee farm at ibabahagi pa ang traditional na paggawa ng kape.
Si Chef JR Royol ay magpapakilala naman ng Bicolano dish na Sinuwan na Buko at ipapakita niya pa ang paggawa ng Burger with Banana Heart Patty.
Mula naman sa BGC, si Migs Almendras ng ATM Squad ang bibisita sa Uma Nota para alamin ang hype sa kanilang entertaining social media posts. Matitikman ni Migs ang Uma Nota's blend of Brazilian-Japanese cuisine. Susubok rin siya sa kanilang bar selections.
Sama na sa bagong food adventure ng Farm to Table ngayong August 17, 7:15 pm sa GTV. Mapapanood din ang Farm to Table online via Farm to Table Facebook page, at sa GMA Network at ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube channels.
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Behind-the-scenes on the set of 'Farm to Table'