GMA Logo Farm to Table
What's on TV

Farm to Table: How to cook Lechon Kawali, Pancit Guisado, and Espasol

By Maine Aquino
Published December 14, 2021 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Voters back boundary changes in 5 Parañaque barangays
Severe flooding hits Davao City; residents rescued
Moviegoers are turning to Google Search after seeing 'The Odyssey'

Article Inside Page


Showbiz News

Farm to Table


Alamin ang sikreto at kuwento sa likod ng Lechon Kawali, Pancit Guisado, and Espasol na inihanda ni Chef JR Royol sa 'Farm to Table.'

Mga masasarap na recipes at ang mga kuwento tungkol sa mga ito ang ibinida ni Chef JR Royol sa Farm to Table.

Photo source: Farm to Table

Sa episode last December 12, ibinida ni Chef JR ang all-time Pinoy favorites na Lechon Kawali, Pancit Guisado, at Espasol. Inihanda ito ni Chef JR sa Balkonahe de San Jose sa Tarlac.

Isa sa mga inihanda ni Chef JR ay ang paborito ng late owner ng Balkonahe de San Jose na si Nanay Violy. Ito ay ang Lechon Kawali. Kasama sa paghahanda ni Chef JR ang sikreto para maging malasa at crispy ang lechon kawali.


Napanood din sa Farm to Table ang recipe ni Chef JR na Pancit Guisado. Dito ibinahagi naman ni Chef JR kung ano ang mga alaalang nabuo niya sa dish na ito.

Paborito ng nakararami ang Espasol ni Nanay Violy. Sa episode na ito, ipinakita ni Chef JR ang sikretong mga sangkap kung bakit naging mabenta ang espasol ni Nanay Violy.

Abangan sa susunod na Linggo ang iba pang mga masasarap na ihahanda ni Chef JR sa Farm to Table.

Panoorin ang Farm to Table at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.