
Noong June 25, napanood si Shuvee Etrata sa isang exciting food adventure ni Chef JR Royol sa Farm to Table.
Tampok nitong Linggo ang pagbisita nila JLG Severino farm at nakasama nila ang young entrepreneur na si Jack Severino.
Para i-celebrate ang fresh ingredients na kanilang nakuha, naghanda si Chef JR ng Twice-cooked Chicken, Goat Stew Tacos, and Homemade Cheese with Vegetables. Ito rin ay pinagsaluhan nila sa farm.
Abangan ang exciting na episodes Farm to Table tuwing Linggo, 6:50 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ang Farm to Table online via Farm to Table Facebook page, at sa GMA Network at ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube channels.