IN PHOTOS: Carmina Villarroel's designer bag collection

Isa si Carmina Villarroel sa mga female celebrities na may collection ng luxury bags mula sa iba't ibang designer brands.
Sa kanyang YouTube video, ibinahagi ni Carmina ang ilan sa kanyang mga bags na ginagamit for everyday wear pati na rin sa kanilang mga pagbiyahe sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Sa video na ito, ilang ulit na sinabi ni Carmina na hanap niya ay bags na sakto sa kanyang pangangailangan. Dapat rin na classic ang style at kulay nito para umano magamit niya ito nang matagal na panahon. Importante rin para sa Kapuso star na babagay ito sa kahit ano mang damit na kanyang susuotin.
Saad ni Carmina sa kanyang vlog, “Kung mapapansin ninyo, usually 'yung mga colors po ng favorite bags ko nasa basic colors lang talaga like brown, off white, black, para at least madaling ternohan, hindi ka na mahihirapan na ay parang hindi bagay sa suot ko.”
Payo ni Carmina sa mga nais mag-collect ng designer bags, “Kung mag-i-invest kayo sa mga bags, make sure na you get first the basic colors like black, nude, brown, para at least like I've said hindi siya mahirap ternohan.”
“Ako kasi everytime I buy a bag, I make sure na medyo classic yung style niya para at least kahit five or ten years from now, magagamit ko pa rin.”
Saad pa niya saka na i-prioritize ang iba't ibang kulay ng bags.
“Eventually kapag nakaluwag-luwag na, meron na ulit savings for a new bag then that's the time you experiment with other colors.”
Nilinaw ni Carmina na matagal niyang pinag-iisipan bago siya bumili ng isang designer bag. Karamihan umano sa mga ito ay reward niya sa kanyang sarili kapag may proyekto siyang ginagawa.
“Some of my bag collections, through the years ko na po itong nakolekta. Hindi ito overnight na binili ko nang sabay sabay. Hindi po gano'n. Talagang pinagiisipan ko ng one million times bago ako mag-purchase ng bag. I make sure na I reward myself everytime na meron akong ginagawang show, or movie, or whatever. Parang prize ko naman for myself. 'Yun lang po ay kung okey sa budget namin.
Silipin ang ilan sa designer bags ni Carmina Villarroel sa gallery na ito:



























