GMA Logo Marian Rivera
What's Hot

Marian Rivera is immaculate in white

By Aimee Anoc
Published December 12, 2021 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Suot ni Marian Rivera ang isa sa naggagandahang disenyo ni Steph Tan.

Hindi lang netizens ang napa-wow ni Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang pambihirang ganda suot ang obra ni Steph Tan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Marian ang isa sa mga OOTD niya habang nasa Eilat Israel. Kabilang ang aktres sa selection committee para sa 70th Miss Universe pageant.

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)

"Managed to take a quick snap in between schedules," sulat ni Marian.

Nagpaabot din ng suporta at paghanga kay Marian ang ilang celebrities tulad nina Joyce Ching, Sanya Lopez, Tanya Garcia, Mariel Padilla, Charlene Muhlach, at Jennifer Sevilla.

"Pambihira, napakaganda," paghanga ni Joyce.

"Taob na po lahat-lahat," dagdag ni Sanya.

"Ganda, I think ikaw ang kinoronahan d'yan," sulat ni Mariel.

"Beautiful," pagbabahagi naman ni Charlene.

"So elegant and beautiful," sabi ni Jennifer.

Lumipad papuntang Israel si Marian kasama ang asawang si Dingdong Dantes noong December 7. Bago ang coronation night, inaasahang dadalo ang aktres sa ilan pang pageant activities.

Samantala, tingnan ang classy all-white OOTDs ni Primetime Queen Marian Rivera sa gallery na ito: