GMA Logo rabiya mateo the sparkle spell
Photo source: sparklegmaartistcenter (IG)
What's Hot

Rabiya Mateo, nag-ala Princess Jasmine sa 'The Sparkle Spell!'

By Abbygael Hilario
Published October 24, 2022 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

rabiya mateo the sparkle spell


Nahanap na kaya ni Rabiya Mateo ang prince Aladdin ng kaniyang buhay?

Nag-ala prinsesa si Rabiya Mateo sa "The Sparkle Spell," ang kauna-unahang Halloween Party ng Sparkle GMA Artist Center na ginanap kahapon, October 23 sa Taguig City.

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Sa interview ng GMANetwork.com kay Rabiya, ibinahagi ng TikToClock host ang estado ng kaniyang puso.

Ayon sa beauty queen-turned-actress, wala pa ang Prince Aladdin ng kaniyang buhay.

"Wala pa kong prince, nandoon pa siya sa magic carpet, na-traffic somewhere." sabi niya.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)


Natanong din si Rabiya kung mayroong chance na magkabalikan sila ng kaniyang ex-boyfriend at Start-Up PH star na si Jeric Gonzales.

Sagot niya, "Naku naman, ayoko naman magsalita ng patapos, 'no. Kung may oportunidad, hindi natin masasabi,. Pero now, nag-eenjoy and nagpo-focus lang talaga kami sa career namin individually."

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)


Maraming fans pa rin ang kinikilig sa dating magkasintahan lalo na nang magkaharap sila sa TikToClock noong September 28.

Binanggit din ng Kapuso star na bukas siya sa posibilidad na magkabalikan sila ni Jeric.

"Hindi ko alam, baka, siguro, yun yung bagay na hindi mo mamamadali, hindi lang ako yung magsasabi non parang tignan natin kung saan tayo dadalhin ng destiny," dagdag niya.

SAMANTALA, TIGNAN ANG JAW-DROPPING LOOKS NI RABIYA MATEO SA GALLERY NA ITO: