
Tila mag best friends ang turingan ng mag-amang Michael Roy Jornales at Heath Jornales.
Sa Christmas Special episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, isa ang dating child actor na si Michael Roy sa mga bumisita sa Bahay Ni Kuya.
Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Dito ay nagkaroon ng pagkakataon si Heath na makasama at mayakap kahit sandali ang kanyang ama.
Sa muli nilang pagkikita, magkasabay na nagtatalon sina Michael Roy at Heath dahil sa labis na saya na naramdaman nila.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay parehas naman silang naging emosyonal dahil sa sobrang nanabik sila sa presensya ng isa't isa ngayong si Heath ay nasa loob ng Bahay Ni Kuya at si Michael Roy naman ay nasa outside world.
Kasabay ng kanilang heart melting na pagtatagpo, maraming viewers at netizens ang nakapansin na cool father and son at mayroong same energy ang dalawa.
Hinangaan din ng marami ang pagiging sobrang malapit at mapagmahal nila sa kanilang pamilya.
Ayon din sa ilang netizens, tila maayos na napakalaki ng kanyang mga magulang si Heath at si Michael Roy naman na ama ng una ay talagang proud dad sa kanyang mga anak.
Samantala, bukod kay Heath, muli ring nakita ni Caprice Cayetano, Ashley Sarmiento, Joaquin Arce, Rave Victoria, at iba pang housemates ang kanilang mga magulang.
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.
Ikaw ba ay palaging nakatutok sa teleserye ng totoong buhay?
Kung oo, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?
Sagutan ang polls sa ibaba: