GMA Logo Faye Lorenzo, Doll House
Source: IMDb
What's on TV

Faye Lorenzo, inaming hango sa kanyang buhay ang 2022 film na 'Doll House'

By Jimboy Napoles
Published March 18, 2023 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beyonce declared a billionaire by Forbes magazine
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Faye Lorenzo, Doll House


Emosyonal si Faye Lorenzo nang ibahagi sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ang kuwento nila ng kanyang ama na naging drug addict noon.

First time na ibinahagi ng aktres na si Faye Lorenzo sa Fast Talk with Boy Abunda ang totoong kuwento sa likod ng 2022 hit Netflix film na Doll House na hango sa naging buhay niya at ng kanyang ama.

Naging emosyonal si Faye nang pag-usapan ang tungkol sa nasabing pelikula dahil aminado ang aktres na sensitibo siya pagdating sa kaniyang ama.

Kuwento ni Faye, “'Yung story po no'n,'yung ginanapan ni Kuya Baron [Geisler], story ko siya at ng aking father so he was a drug addict, medyo sensitive ako kasi baka i-judge siya ng mga tao.”

Masaya naman ang aktres na marami ang na-inspire at naka-relate sa kuwento nila ng kanyang ama.

Aniya, “Nakakagulat nga kasi maraming na-inspire doon sa story, kaya hindi ako makapaniwala na ang dami rin palang katulad ko na pinagdaanan 'yung gano'n na nagkaroon sila ng tatay na naging mahina. Ayun 'yung ginamit na way para makatakas sa problema at para maging matapang.”

Ayon kay Faye, bagamat naging mahina ang kaniyang ama at nagpatuksong gumamit ng bawal na gamot, sinabi ng aktres na nanatili itong mabuting ama para sa kanilang magkakapatid.

“Pero Tito Boy, hindi man siya naging mabuting ehemplo [bilang isang] ama, hindi naging maganda ang tingin sa kanya ng mga tao, pero sa mga mata ko Tito Boy, sa puso ko, mabuti po siyang ama.

“Kasi pinaramdam niya po sa aming magkakapatid kung gaano niya po kami kamahal, and hindi po siya nagkulang, itinaguyod niya po kami,” ani Faye.

Paglalahad pa ni Faye, nang sila ay iwan ng kanyang ina noon ay hindi naman sila pinabayaan ng kanyang ama at ng kanyang lola at patuloy silang itinaguyod na magkakapatid.

“Iniwanan po kasi kami ng mama namin noong bata pa ako, pero hindi ko naramdaman 'yung pagkukulang ng isang nanay kasi nandoon din 'yung lola ko,” anang aktres.

Samantala, tinupad naman ni Faye ang biiln noon ng kanyang yumaong lola, na isama ito kung sakaling siya ay maging artista na at makakapanayam ni Boy.

Suot ang kuwintas laman ang abo ng kanyang lola, humarap si Faye sa batikang TV host.

“Ito nga po siya Tito Boy, suot ko siya… green bone po [kinuha ko po] sa cremation ni nanay, ng lola ko po,” nakangiting sinabi ni Faye.

Bilin umano ng kanyang lola,”Sinabi niya po sa akin, hindi pa po ako artista nito ha, noong buhay pa po siya, sinabi niya po sa akin na 'Bong kapag naging artista ka na at in-interview ka ni Tito Boy, isama mo ako a.”

“Medyo tsismosa po kasi 'yun,” biro pa ng aktres.

Natuwa naman si Boy dito at sinabing, “Lola, maraming salamat po sa inyong habilin at aalagaan po namin si Faye.”

Samantala, mapapanood si Faye sa GMA Afternoon Prime series na AraBella at weekend comedy show na Bubble Gang.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.