
Abala ngayon ang Sparkle actress na si Faye Lorenzo sa GMA Afternoon Prime series na Hating Kapatid, na pinagbibidahan ng Legaspi family.
Sa naturang serye, gumaganap si Faye bilang Nica. Sa "Chika Minute" report ni Athena Imperial para sa 24 Oras, may patikim ang aktres tungkol sa kanyang pinagbibidahang karakter.
"Abangan nila kung ano 'yung magiging twist ng character ni Nica, kung mas sasama ba siya o kakampi na siya sa mabuti," pagbabahagi niya.
Bukod sa pagiging aktres, abala rin ang aktres sa pagnenegosyo at katunayan ay dalawa na ang kanyang business ventures. Ayon sa "Chika Minute" report, kabilang na rito ay ang paupahan.
Bukod dito, mayroon na rin isang aesthetic clinic si Faye.
"Nung nasa showbiz na nga ako, dahil nakita ko na kailangan laging beautiful, kailangan palaging maganda, sabi ko, aesthetic clinic ang itatayo ko," aniya.
Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa video sa ibaba.
Samantala, patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG HOTTEST LOOKS NI FAYE LORENZO SA GALLERY NA ITO.