What's on TV

Faye Lorenzo, nagulat sa pagiging viral ng videos niya sa 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published March 6, 2020 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IRR sa ‘No to Single Use Plastic’ Ordinance sa Davao City, gipagawas na | One Mindanao
Alex Eala, Ingrid Martins bow out of Australian Open doubles
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction

Article Inside Page


Showbiz News

Videos ni Faye Lorenzo sa Bubble Gang


Pinag-uusapan ngayon si Faye Lorenzo dahil sa viral videos niya sa 'Bubble Gang.'

May bagong aabangan sa longest-running at award-winning Kapuso gag show na Bubble Gang at ito ay walang iba kundi ang GMA Artist Center beauty na si Faye Lorenzo!

Patok online at umani ng milyon-milyong views ang dalawang comedy sketches kung saan tampok si Faye.

May halos 3 million views na sa YouTube ang sketch na 'Shop Lifter' kung saan gumanap siya bilang isang shoplifter.

Samantala, may 2.1 million views naman ang 'Imaginary Son' kung saan isang bagong kasambahay naman siya sa naturang sketch.

Sa Instagram Story ni Faye, tila nagulat siya sa mainit na pagtanggap ng netizens sa videos niya sa Bubble Gang.

Kaya kung gusto ninyo maging stress-free ang inyong weekend, palaging tumutok sa kuwelang episode ng Bubble Gang every Friday night pagkatapos ng GMA Telebabad!

Heto naman ang paunang silip sa episode this March 6.