
Napahanga ng award-winning Kapuso actress na si Bea Alonzo ang ilan sa pinakamagagaling na comedian sa industriya nang mag-taping ito para sa longest-running gag show na Bubble Gang. Kabilang dito si "Viral Queen" Faye Lorenzo.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Faye kahapon (October 7) sa kanyang contract signing para sa GMA Artist Center, aminado ang sexy comedienne na starstruck siya nang makita si Bea sa taping nila sa Bubble Gang.
Aniya, “Sobrang na-starstruck po ako. Na-starstruck po ako sa kanya kasi ang ganda po niya, tapos ang bait. Actually, nagpa-picture nga din po ako sa kanya.
“Kasi idol ko rin po talaga siya lalo na 'pag sa drama. Grabe 'di ba po? Kaya sabi ko, 'grabe makakatrabaho ko siya at makaka-eksena ko siya. So, 'yun po, ang saya kasi mabait po siya, ang galing po niya!” dagdag niya.
Dito raw nakita ni Faye ang versatility ng nag-iisang Bea Alonzo na hindi nagpahuli sa comedy skills kasama ang Bubble barkada.
Obserbasyon ni Faye, “Parang kahit saan po siya ilagay puwede kayang-kaya niya po. Kahit mahaba po 'yung script, [walang problema] kayang-kaya niya.
“Kasi naka-usap ko si Kuya Betong [Sumaya], ka-eksena niya si Kuya Betong humanga rin sa kanya, kasi nga ang haba nung script niya wala man lang buckle. Hindi niya nalimutan, so grabe ang galing po.”
Kaya abangan ang special episode ng Kapuso gag show featuring the one and only Bea Alonzo sa Bubble Gang sa Biyernes, pagkatapos ng GMA Telebabad.
Kilalanin naman ang mga dating Kapamilya celebrity tulad ni Bea Alonzo na ngayon ay certified Kapuso na sa gallery na ito.