
Kaabang-abang ang pinakaunang episode ng Wish Ko Lang para sa taong 2022, ang "Karibal," na pagbibidahan ni Kapuso actress Faye Lorenzo.
Makakasama rin ni Faye sa episode na ito sina Kokoy Santos, Ynez Veneracion, Joshua Zamora, Mia Pangyarihan, Mimi Juareza, at social media star Joyang.
Dahil madalas busy at overtime sa kanyang trabaho, halos walang nang natitirang oras si Irish (Faye Lorenzo) para sa asawang si Calvin (Kokoy Santos).
Kampante naman si Irish na inaalagaan ng kanyang inang si Steffi (Ynez Veneracion) ang asawa sa tuwing naiiwan ito sa kanilang bahay. Pero lingid sa kaalaman ni Irish na pinagtataksilan na pala siya ng mismong ina at asawa.
Huwag palampasin ang matitinding eksena sa "Karibal" episode ngayong Sabado, January 1, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang sexiest looks ni Faye Lorenzo sa gallery na ito: