
Dahil maaari nang mag-resume ang produksiyon ng mga pelikula at programang pantelebisyon kapag pumasok na ang bansa sa general community quarantine, naglabas ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng interim guidelines para dito.
Inilabas ng FDCP ang dokumentong Interim Guidelines on Safety Protocols for the Conduct of Film and Audio-Visual Production Shoots to Mitigate COVID-19 noong May 16.
Ayon dito, kailangan i-observe ang social distancing sa lahat ng bahagi ng produksiyon. Hinikikayat ng gawin na lang muna online ang mga meeting o casting. Kung hindi maiiwasan, kailangang magkakalayo ang mga tao at dapat din nakasuot sila ng personal protective equipment tulad ng gloves at face masks.
50 tao na lang din ang maaaring manatili sa set ng pelikula o serye. Isang metro din dapat ang layo ang mga tao sa isa't isa, habang dalawang metro naman dapat ang layo ng camera sa mga artista. Dapat na ring iwasan ang mga eksenang kailangan ng maraming tao tulad ng mga parada, concert, rally at iba pa.
Kailangan din na may certified medical personnel parati sa set na siyang magsasagawa ng temperature checks at magsagawa ng mga tamang hakbang kung sakaling may magkasakit sa set. Kailangan din na mag-provide ng face masks, alcohol, handwashing areas sa set ang mga producers at employers.
Dapat ding regular na magsagawa ng paglilinis sa mga common areas sa set, at maging sa mga gamit dito. Para naman sa caterers, kailangan nasa single-serve containers ang mga pagkain at inuming ihahain. 12 hours na rin ang maximum na oras ng produksiyon at kung may curfew ang lugar na pinagshu-shoot-an, kailangan itong sundin.
Para malaman ang kaubuuan ng guidelines, i-download at basahin ang dokumentong ito.
Ang guidelines na ito muna ang susundin habang inaayos pa ng FDCP ang final guidelines na kailangan pa ng approval ng Department of Health (DOH) and Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Related:
Erik Matti, may pangamba at alinlangan para sa pelikulang Pilipino pagpasok ng GCQ
Glaiza de Castro contemplates the future of showbiz after COVID-19 crisis