Article Inside Page
Showbiz News
Narito ang mga dapat abangang kuwento ni Dingdong Dantes sa 'Amazing Earth' ngayong October 17.
Celebration ng raw, real, and proudly Filipino stories ang mapapanood sa Amazing Earth.
Tampok ngayong Biyernes, October 17, ang feature sa fishing vloggers ng Buhay-Isla Vlog TV of Palawan. Sila ay nakilala sa mga malalaking huli at exciting adventures sa dagat. Sa Amazing Earth, mapapakita nila ang one-of-a-kind experience na picnic at sea.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth/ YouTube: Buhay Isla Vlog TV
Makakasama sa
Amazing Earth si John Sherwin Felix, na food mapper, cultural influencer, and founder of Lokalpedia na digital archive ng local and natural Filipino ingredients. Makaka-bonding niya si Dingdong Dantes sa isang on-set interview and “batwan” tasting portion.
Exciting na mga kuwento mula sa African wildlife ang ibabahagi sa docu-series na “Wild Survivors.” Abangan ang mga inihandang "Kuwentong Amazing" ni Dingdong Dantes ngayong Biyernes.
Abangan ang episode na ito sa
Amazing Earth ngayong Biyernes, October 17, 9:35 p.m. sa GMA.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA 'AMAZING EARTH':