
Hindi lang summer heat wave ang tumama ngayong buwan ng Mayo dahil ramdam ang mainit na suporta online sa bagong pinasikat na parody song nina Michael V. at Paolo Contis.
Suwabe at soulful ang performance nina Direk Michael at Pao bilang sina Tio Nilo at Jay-Cool sa "Feeling" music video na ipinalabas sa Bubble Gang kahapon, May 19.
Sa loob lamang ng 24 hours, nakuha na ng "Feeling" parody ang mahigit sa 2.1 million views online.
Ang naturang parody song ay hango sa hit collaboration nina Dionela at Jay R na 'Sining.'
Sa Facebook post naman ni Bitoy, taos-puso ang pasasalamat ng award-winning comedian kay Dionela sa inspirasyon na binigay niya.
“Same vibe… different Titos.
“Thank you @dionelaofficial for the inspiration.”
RELATED CONTENT: Michael V.'s hit parody songs!